Friday, March 19, 2010

Pananaliksik


Castillo, Kenneth

De Silva, Julie

Diego, Kathlyn

Lasula, Edelyn

Rubio, Arbert

Tolibas, Abigail

1FAM

Kolehiyo ng Komersyo, UST


“Hindi tinatangkilik ng mga Tomasino ang pamimili ng damit sa internet.”


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ito ang mga tanong na nais mabigyang kasagutan sa pananaliksik na ito:

1. Bakit hindi tinatangkilik ng mga Tomasino ang pagbebenta ng damit sa internet?

2. May epekto ba ang mga nagdaang situwasyon katulad ng kalamidad sa hindi pamimili ng mga Tomasino sa internet?

3. Hindi ba nakuha ng mga nagbebenta ng damit sa internet ang panlasa ng mga Tomasino ukol sa mga damit na kanilang ibinebenta?

4. Nakakaapekto ba ang pagiging isang arkipelago ng Pilipinas sa hindi pagtangkilik ng mga Tomasino sa online selling ng mga damit?

5. Damit ba ang produktong tinatangkilik ng mga Tomasino sa pamimili sa internet?

PERSONAL O PANLIPUNANG UDYOK

Ito ang napiling paksa ng mga mananaliksik sapagkat ito ay konektado sa kanilang kurso na Komersyo. Sa henerasyon ngayon na kinabibilangan ng mga mananaliksik ay laganap ang paggamit ng makabagong teknolohiya na nagpapabilis ng mga bagay-bagay. Maraming disenyo na naglalabasan ngayon na tinatangkilik ng mga mamimili lalo pa’t kakasapit lamang ng bagong taon. Isa pa ay uso sa mga kabataan ang maging “in” sa mga damit para na rin makipagsabayan sa ibang bansa. Alamin ng mga mananaliksik kung bakit hindi tinatangkilik ng mga Tomasino ang pamimili ng damit sa internet kahit na ito ay usong gawin sa ibang bansa. Pagnenegosyo ng mga damit sa pamamagitan ng internet ang pinagtuunan ng pansin ng mga mananaliksik sapagkat nais din nila malaman kung gaano kaepektibo ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagbebenta ng mga produkto.

REBYU / PAG-AARAL

· Internet Marketing (Third Edition), 2001 ni Charles F. Hofacker

Tinalakay dito ang komunikasyon at kung anu-ano ang gamit nito sa pagbebenta gamit ang internet at kalakip nito ang mga kalakasang maidudulot nito sa mga negosyo. Sinasabi rin dito na ang “exposure” ng produkto ay importante at dapat ilagay ang mga produkto sa itaas na bahagi ng pahina sa internet upang agad itong makapukaw ng atensiyon ng mga tumitingin at ng mga mamimili. Nagsasaad din ang librong ito ukol sa mga panuntunang dapat sundin o isaalang-alang ng mga negosyanteng gumagamit ng internet upang makabenta ng walang nilalabag na batas. Nagbibigay-kaalaman din ang aklat ukol sa kung paano ang tamang pagbibigay-presyo sa mga paninda at ang mga paraan kung paano ligtas na makapagbabayad ang mga mamimili.

· Internet Marketing: Reading and Online Resources, 2001 ni Paul Richardso

Naglalaman ang aklat ng mga estratehiya ng pagbebenta, pagiging matagumpay sa paraang ito at sa pagiging matalinong negosyante at maging ng tagapamili. Ang karakter o ugali ng nagbebenta at bumibili ay isang malaking aspeto para sa mas maayos na pagtangkilik ng mga produkto sa “net.” Isinasaad din ng aklat na ito ang iba’t ibang gamit ng “internet” at kung paano mas magiging kaaya-aya pa ito sa mata ng publiko.

  • Asian Development Bank Institute

Tumatalakay sa librong ito ang report ng Asian Development Bank Institute (ADBI) kugnay ang pag-aadvertise ng E-business at Komersyo sa pag-unlad ng mga bansa partikular na sa Asya. Ang layuning ng grupo ay para marebyu at mapagbuti pa ang paggamit ng internet sa pagnenegosyo at ang mga kasanayang pangkasanayang pangkomersyo sa pagpapalagan nito sa mga Asyanong bansa. Isa pang hangarin ng aklat na ito ay maibahagi sa mga mambabasa ang tungkol sa mga makabagong pamamaraan, modelo, at ilang mga paraan sa pageensayo.

  • Digi Marketing: The Essential Guide to New Media & Digital Marketing, 2008 ni Kent Wertime

Ang “DigiMarketing: The Essential Guide to New Media & Digital Marketing” tumatalakay sa pagpapaliwanag ng mga pinakaginagamit na pamamaran ng mga tao sa pakikipag komunikasyon at pag-abot sa kapwa tao. Nakapaloob dito ang mga makabagong paraan na magagamit ng mga negosyante sa kanilang pakikipagtransaksyon gamit ang internet upang mas mapaigi pa ang kanilang pangkabuhayan. Ang aklat din na ito ay nagbibigay ng mga pinakaepektibong pagsasanay kabilang ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pakikipag komunikasyon sa internet at kung paano nangunguna ang mga naglalakihang industriya sa kasalukuyan. Ilan sa mga nabanggit sa aklat na ito ay ang paggamit ng “podcasting” at “blogging.”


LAYUNIN

Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng pananaliksik:

· Malaman kung anong produkto ang binibili sa internet ng mga Tomasino.

· Malaman at maihambing ang maganda at hindi magandang dulot ng pamimili ng mga damit online sa mga Tomasino.

· Malaman ng mga mananaliksik kung marami nga ba ang hindi tumatangkilik na mga Tomasino sa pamimili ng damit online kahit na ito ay usong gawin sa ibang bansa.

· Malaman kung bakit hindi tinangkilik ng mga Tomasino ang pagbili ng damit online.

· Malaman kung may epekto ba ang mga nagdaang kalamidad sa pamimili ng damit online.

· Makapagbigay ng mungkahi ukol sa paksang napili at maibahagi ang mga nakalap na datos.

· Makatulong at magamit ang magiging resulta ng pananaliksik para sa susunod pang pananaliksik.


KAHALAGAHAN

Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatutulong sa mga mag-aaral ng komersyo na sa darating na panahon ay magtatayo at magpapangasiwa ng kani-kanilang mga negosyo. Para rin ito sa mga nagnenegosyo sa kasalukuyan upang malaman kung epektibo at patok ba ang ganitong paraan sa merkado.

Maaari din itong magamit bilang isa sa mga sanggunian para sa mga susunod na pananaliksik sa mga susunod na taon. Higit sa lahat, ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga negosyante o sino mang magbebenta sa internet sapagkat dito makikita kung epektibo ba at niyayakap ba ng mga Tomasino ang ganitong istilo ng pagbebenta sa merkado.


METODOLOHIYA

Ang metodolohiya na gagamitin sa pananaliksik ay pagsasarbey. Isa itong paraan para malaman ng mga mananaliksik ang ninanais ng mas nakararami. Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagpapasagot ng mga katanungan na nakalimbag sa papel sa mga respondente. Ang mga respondente ay mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas na nagbahagi ng kaunting oras para sagutan ang sarbey ng mga mananaliksik. Iilan sa mga ito ay ang mga kapwa kamag-aral sa Komersyo, mga mag-aaral ng Siyensiya at mga kumukuha ng kursong Accounting.


SAKLAW / DELIMITASYON

Mga Tomasino ang pagtutuungan ng pansin sa pananaliksik na ito. Sila ay bibigyan ng survey forms na naglalaman ng mga katanungan na makakatulong ukol sa pananaliksik. Hindi na kailangan pang lumayo at gumastos sa pamasahe ng mga mananaliksik sa kanilang unibersidad upang magsarbey. Gagawin nila ang pagsasarbey sa loob ng kampus ng Unibersidad ng Santo Tomas dahil ang mga respondent sa sarbey ay mga Tomasino. Hindi rin nila kailangang gumastos nang malaki para sa pagpapadami ng kopya ng mga survey forms.

Hihingin sa limampung (50) respondente ang kanilang kurso at taon para sa pagsagot ng sarbey forms ngunit ito ay mananatiling pribado bilang paggalang sa mga respondente. Ang mga bibigyan ng sarbey forms ay mga Tomasino na mayroong libreng oras at na nasa field at sa lover’s lane at hindi pipiliting sumagot. At ang pagsasarbey ay gagawin lamang sa libreng oras ng mga mananaliksik sapagkat ayaw nilang makaistorbo sa mga kapwa Tomasino na walang libreng oras at para tuluy-tuloy ang pagsasarbey kung libre ang mga mananaliksik. Isa pa ay marami ding ibang inaasikaso ang mga mananaliksik kaya sa libreng oras nila lamang ito magagawa.


DALOY NG PAG-AARAL

Sa unang bahagi ay makikita ang introduksyon sa paksa. Nakalagay dito ang kasaysayan at ebolusyon ng teknolohiya. Isa sa halimbawa nito ang pagbebenta ng damit sa internet na isang uri rin ng media. Inihambing dito kung ano ang pinagkaiba ng media noon at ngayon.

Sa ikalawang bahagi naman ay makikita ang mga katanungan na nasa sarbey, ang sagot ng mga respondente at ang naging resulta sa pamamagitan ng grap. Sa bahaging ito ay pagkukumparahin ang mga sagot sa bawat katanungan at nasa mas maayos na pagkakalahad ng mga datos. Nakalagay din dito ang pag-iinterpretasyon ng mga mananaliksik sa resulta na nakalap. Ang bawat katanungan ay mayroong kani-kaniyang kahulugan na ilalathala at ipapaliwanag ng mga mananaliksik.

Sa ikatlong bahagi naman ay makikita ang konklusyon ng mga mananaliksik ukol sa naging resulta ng isinagawang pananaliksik. Magbibigay din ng rekomendasyon ang mga mananaliksik sa mga nagbebenta ng damit sa internet na maaaring makatulong sa paraan ng pagkuha ng atensyon ng Tomasinong mamimili.


I. INTRODUKSYON SA PAKSA

Ayon kay Wertime Fenwick, awtor ng isang aklat sa online-marketing, ang ebolusyon ng teknolohiya ay sadyang napakabilis umusbong. Nagsimula sa tradisyunal na paraan ng pakikipagkomunika sa kapwa hanggang sa ngayon na isang pindot na lamang ay maaari nang makita ang isang tao kahit na ito pa ay nasa kabilang panig ng mundo. Dito na pumapasok at nagsisimulang maramdaman ang tulong ng Internet. Hindi lamang sa pakikipag-ugnayan sa kapwa kundi idagdag din ang iba pang maaaring gawin dito tulad ng panunood ng videos, maghanap ng impormasyon at balita, magbahagi ng saloobin, tumingin sa mga larawan, pagpapatalastas ng kung anu-ano at higit sa lahat ang pagbebenta ng mga produkto sa lipunan.

Sa panonood, lahat ay tungkol lamang sa malikhaing elemento ng panghihikayat at pagpapatalastas – mga bagay na kumukuha ng atensyon ng mga gumagamit ng produkto – dahan dahang itinatatak ito sa isipan ng mga manunuod at sa ilang sandali ay makaaapekto na sa pagkakaroon ng kita. Dito na naeenganyong pumunta ang mga mamimili sa mga tindahan upang mamili ng bagay na aangkop para sa kanila. Samantala, ang makabagong media ay nakakapagtransporma ng mga lumang nilalaman at uri ng komunikasyon sa ‘digital’ na transmisyon sa Internet at mga mobile networks. Ang pagtaas ng konsumo ng pagtangkilik sa makabagong kagamitan ang isang dahilan kung bakit nagpapasya ang mga ordinaryong tao pati ang mga negosyante na pumasok na rin sa digital networking o social web marketing.

Mula sa librong Information Technology- Economics Aspects ni Hal R. Varian, isang propesyunal na ekonimista sa larangan ng microekonomics at information economics, sa kadahilanang sumikat at kinagat ng publiko ang ‘online world’ noong bandang 1989 hangang 1990, nagkaroon nang biglaang pagtaas ang paggamit sa Internet o Web. Lahat ng nakagagamit sa midyum na ito, mapabata man o matanda, ay nakikita ang kahalagahan na mga maaaring magawa sa online at ang epekto nito sa negosyo. Sa sandaling panahon, lahat ay nais maging bahagi ng aksiyong ito at ang negosyante ay naglalabas ng pera upang mamuhunan sa Web-based businesses.

Nagsimula ang online selling sampung taon ang nakakaraan at naihulma na lamang sa paglipas ng panahon. Ebay at Amazon ang mga unang ginamit noon sa pagbebenta onlie. Noon, ang mga online shops ay kinatatakutan ng mga tao dahil sa maraming mga “identical theft” o mga magnanakaw ng pera sa pamamagitan ng iyong numero sa kredit kard. Ang online selling ay isang proseso na kung saan ang mga mamimili ay tumitingin at bumibili ng produkto sa pamamagitan ng Internet. Ang mga online shop, e-shop, e-store, internet shop, webshop, webstore, online store o ang virtual store ang naghumahalili sa personal na pagbili ng produkto at serbisyo sa bricks-and-mortar retailer o sa isang shopping mall ayon kay Harris sa libro niyang Marketing the E-business.

Ang mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik ay nag-udyok sa kanila na gumawa ng pagsasarbey upang makuha ng mga datos. Ang mga datos na ito ay makikita sa ikalawng bahagi ng pananaliksik.

II.

Sa ginawang pagsasarbey ng mg amananaliksik, nakakalap sila ng mga impormasyon na makakasagot sa layunin ng kanilang pananaliksik. Ang mga pinagsarbeyan ng mga mananaliksik ay mga Tomasino na nasa field at Lover’s lane na mayroong libreng libreng oras para sagutan ang sarbey at upang maipakita na wlang pinapanigan ang mga mananaliksik.

Ang mga sumusunod ay ang mga katanungan na nakapaloob sa mga sarbey porms. Ito ay pinasagutan sa pamamagitan ng pag-iitim ng mga bilog. Kalakop na rin dito ang naging resulta sa nasagawang pagsasarbey. Ang mga datos ay inilahad sa paraang pie chart upang makita ang pagkakaiba-iba.













Ayon sa resulta ng sarbey, karamihan sa mga Tomasino ang hindi tumatangkilik ng damit na ibinebenta online. Mahigit kalahati ng mga respondent ang hindi pabor dito. Para sa mga Tomasino, importante ang makita at mahawakan nang personal ang mga damit na bibilhin. Dahil di umano ay walang kasiguraduhan ang kalidad ng mga damit na ibinebenta online.Dahilan ito upang magkaroon ng kaunting pag-aalinlangan ang ilang mamimili dahil sa kalidad ng damit na bibilhin online o sa tindahan. Ang estilo at ang materyales na ginagamit sa paggawa ng damit ay ang madalas na hinahanap at tinitignan ng mga mamimili. Gawain ito ng mga tumugon sa sarbey upang matiyak at hindi pagsisihan ang produktong kanilang tinangkilik.

Kapansin-pansin na may lagpas 50% ng mga respondente ang hindi interesado sa pamimili ng damit sa internet dahil nakasanayan na ng mga Tomasino at ng ating kulturang Pilipino na mahawakan at maisukat ang damit na gusting bilhin. Sa katunayan ay madalas ang pagsusukat at pagpili ng damit ng mga tao. Ngunit sa huli ay maaring hindi bilhin dahil sa pagiging mapanuri at pagiging praktikal.

65% ng mga Tomasino ang hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon na maudyok upang bumili ng damit online. Ang resulta, maraming Tomasino ang hindi pa sumusubok ng gawain na ito.

Samantala, 32% naman ng mga respondente ay mas tumatangkilik ang pagbili ng mga gadyet. Pumapangalawa rito ay ang bag, 18%, sumunod ay sapatos at lanyard, 16%, iba pang produkto (hal. Libro at laptop), 13%, at ang panghuli ay ang make-up, 5%. Ipinapahiwatig dito na hindi lamang damit ang tinatangkilik ng mg Tomasino sa pamimili sa internet. Maaaring ang mga Tomasino ay may kaalaman sa pamimili sa internet ngunit hindi lamang damit ang kanilang tinatangkilik.

III. KONGKLUSYON

Sadyang napakabilis ng ebolusyon ng ating teknolohiya. Napag-alaman ng mga mananaliksik na matagal ng nagsimula ang pagbebenta ng damit online. Mula sa pagbabarter, na napunta sa isang pindot na lamang ang pamimili ng damit. Totoo nga na naging malaki ang impluwensiya ng teknolohiya sa buhay ng tao.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na hindi dahil sikat ang online shopping sa ibang bansa ay papatok din ito sa mga Tomasino. Dito nalaman ng mga mananaliksik na mapanuri at sigurista ang mga Tomasino. Mas marami pa rin sa mga Tomasino ang nais pumunta mismo sa tindahan upang mahawakan ang produktong damit. Hindi basta-basta bumibili ang mga Tomasino ng produktong damit online kung wala silang kasiguraduhan sa kalidad nito. Mas nais ng mga tomsino ang nakikita ng aktuwal ang produkto at ito ay masukat upang malaman kung ito ba ay babagay o aakma sa kanilang pangangatawan. Masasabi rin ng mga mananaliksik na praktikal ang mga Tomasino pagdating sa pagbili ng damit sa internet dahil sa hindi sila magsusugal sa isang produkton gdamit na nakikita lamang sa website o sa isang advertisement sa internet.


Ang binibili ng mga Tomasino sa panahon ngayon ay ang makabagong teknolohiya o gadget na masasabi, sapagkat ito ay malaki ang naitutulong sa kanilang pag-aaral sa panahon ng mga kabataan ngayon.

APPENDIX

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

Kolehiyo ng Komersyo

Isang magandang araw sa iyo kapwa Tomasino! Ang mga mananaliksik, ay mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Komersyo. Ang pananaliksik ay ukol sa hindi pagtangkilik ng mga Tomasino sa pamimili ng damit online. Nakasaad sa survey form na ito ang mga katanungan na nais nila mabigyang kasagutan sa pananaliksik. Maraming salamat sa pagsagot ng tapat at sa iyong oras.

Pangalan (opsyonal):_______________________

Taon at Kurso: ___________________

1) Tinatangkilik mo ba ang pamimili ng damit online? Kung oo ay huwag sagutan ang ikalawang tanong. Kung hindi ay magpatuloy sa ikalawang tanong.

o Oo

o Hindi

2) Ano ang dahilan ng hindi mo pamimili ng mga damit online?

o May kamahalan ang produktong damit

o Matagal ang pagdating ng produktong damit

o Mas gustong makita at mahawakan ang damit ng personal

o Walang kasiguraduhan sa kalidad ng damit

o Hindi interesado

o Epekto ng nagdaang mga kalamidad

o Iba pa: _________________

3) Nasubukan mo na ba bumili ng damit online?

o Oo

o Hindi

4) Mas gusto mo ba ang mamili online o pumunta sa mga bilihan?

o Online

o Pumunta sa mga bilihan

5) Nagkaroon na ba ng situwasyon na nag-udyok sa iyo na bumili ng damit online?

o Meron

o Wala

6) Kung hindi damit ang iyong binibili online anong produkto ang iyong tinatangkilik?

o Gadget

o Make-up

o Sapatos

o Bag

o Lanyard

o Iba pa: ________________

SANGGUNIAN

Harris, Lisa. Marketing E-business. Routledge. 2003.

Hofacker, Charles F. 2001. Internet Marketing Third Edition. Wall Street Journal. 2001.

Richardson, Paul. Internet Marketing: Reading and Online Resources.McGraw –Hill. 2001.

Varian, Hal. The Economics of Information Technology. Cambridge University. 2004.

Wertime, Kent. DigiMarketing: The Essential Guide to New Media & Digital Marketing. John Wiley & Sons (Asia). 2008.

PASASALAMAT

· Unang una ay sa Panginoon dahil nagawa ng mga mananaliksik ang kanilang pananaliksik.

· Sa buong 1FAM sa komentaryo at pagsagot sa sarbey.

· Sa mga Tomasino na naglaan ng kanilang oras sa pagsagot sa sarbey.

· Sa mga awtor ng mga libro na ginamit sa pananaliksik.

· Sa UST Library para sa koleksiyon ng mga libro.

· Sa pamilya Tolibas sa malugod na pagtanggap sa mga mananaliksik sa kanilang tahanan.

· Kay Heinz Vidamo sa pagtulong sa pagsarbey.